Isa akong estudyante noon sa
V-mapa High School. Estudyanteng pasaway at sikat sa buong school. Kilala ako
ng bawat estudyante sa amin, fans ko sila eh. Ngunit mayroong isang estudyante
na talagang walang paki-alam sa mundo, lalo na sa akin. Sa mga araw at buwan na
magkasama kami sa silid-aralan hindi kami pinagtatagpo ng mga pag-uusap. Hindi
namin nagawang magkaroon ng matinong usapan, walang Hi, walang hello. Wala din
kaming pansinan. As in talagang hindi siya nageexist sa aking mundo at ako’y
ganon din sa kanya.
Ako ang pinakamaingay sa klase
namin noon, siya naman ang pinakatahimik. Siya yung taong hindi ka kakausapin
kapag hindi ikaw yung unang nagbukas ng usapin. Siya yung taong hindi mahilig
magrecite sa klase. Pero bilib ako sa kanya kasi lagi siyang nagtotop sa klase
namin. Lagi siyang perfect sa mga quizzes at exams at paborito din ng mga guro.
Pero hindi siya teacher’s pet, kasi likas na sa kanya ang pagiging matalino.
Recess noon nang naisipan kong
bumili ng Piattos at MnM sa Seven-eleven sa tapat ng DPWH. Mag-isa lamang akong
pumunta doon, walang sumama sa akin kasi umuulan. Hindi kalakasan yung ulan
kaya naglakas loob akong sumugod doon. Mainit ang singaw ng lupa, kaya laking
pasasalamat ko nang makarating ako sa seven-eleven. Thanks God air-con!
Nakapila na ako sa Counter nang
mapansin ko siya nakaupo sa reserved table for customers only. Mind you wala
siyang pagkain o anumang binili. Naalala ko hindi siya pumasok sa unang subject
namin. Nang nakapag-bayad na ako sa counter, nilapitan ko siya at inalok ng
pagkain. Wala siyang kibo, nakatitig
lamang siya sa ulan sa labas, napansin kong gusto sumabay ng luha niya sa lakas
ng ulan.
“Okay ka lang ba? hindi ka
pumasok kanina sa Math natin.” Sambit ko.
Wala pa din siyang imik, ramdam
ko na pinipilit niyang itago ang mga luha sa mata niya.
Binuksan ko na yung piattos na
binili ko. “eto oh, kuha ka.” Alok ko.
Ngumiti siya sa akin, “Salamat.”
“ Tara na baka malate pa tayo sa
English natin, share na tayo sa payong ko.”
Muli hindi niya pinansin ang
sinabi ko.
“ Hinahanap ka ni Ma’am kanina.
Alam mo ba walang nakasagot nung tanong niya kanina, ang haba ba naman nung
equation.”
Ngumiti lamang siya ulit,
nanatili pa tin ang tingin niya sa buhos ng ulan sa labas.
“ siguro kung andun ka nasagot mo
yun, sayang di ka pumasok.” Pinilit kong pangitiin ulit siya ngunit bigo ako.
Tumayo siya sa knyang inuupuan.
“ Gusto mong sumama sa akin?”
sambit niya.
“ Saan naman?”
“Punta tayo sa paborito kong
lugar, sa may intramuros, okay lang ba sayo?” tanong niya.
“Ang layo naman nun, pero sige,
English lang naman yun madali na yun. Tara!” sagot ko.
Sumakay kami ng Jeep sa may San
Sebastian Church, yung pa Sm Manila. Nanibago ako sa mga pangyayari. Ang dami
ko noong naisip na kalokohan. Bakit nga ba ako sumama sa kanya, eh hindi kami
close. Hindi ko nga siya gaanong kilala at wala akong alam tungkol sa ugali
niya. Baka mamaya set-up lang pala lahat at ipapakidnap niya ako. Tama baka yun
nga! Kaya siguro siya problemado kanina kasi kinakabahan siya at hindi niya
alam kung panu ako pasamahin sa kanya. Pero teka alam naman niya siguro na
mahirap lang kami. Hindi! Alam ko na! alam niyang sikat ako sa school kaya pag
nakidnap ako, kahit wala kami pambayad siguradong tutulungan ako ng mga kakalse
ko!. Alam niyang mag-aambagan sila for me. Oh no!
“ Wag kang mag-alala wala akong
balak na kidnappin ka, gusto ko lang ng kasama.”
Natawa lang ako.
Mukhang wala siyang balak
magbayad kaya ako na lang ang nagkusa. “ Ma dalawa po estudyante.”
Tumingin sa akin ng masama yung
Driver. Pagakatapos noon ay namutawi ang mahabang katahimikan nasa may ayala
Bridge na kami ng makaisip ako ng Topic. “ anong sikreto mo?”
Nagulat siya sa tanong ko. “anong
sikreto?”
“ bakit ang talino mo, bakit lagi
kang nagtotop sa klase? Nagkokodigo ka ba?”
Natawa siya sa sinabi ko. “ Kodigo? Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para magkodigo. Pinagtutuonan ko
lang ng pansin lahat ng ga subject.
“ Nag-aaral ka gabi-gabi?”
“Hindi naman gabi-gabi, madalas
lang.”
Nooy walang tigil na yung usapan
namin, hanggang sa pagbaba sa Jeep, pagtawid sa underpass, at paglalakad sa
intramuros. Hanggan sa nakarating kami sa isang magandang hardin, sa likod na
ata iyon ng intramuros. May mga bakal na istraktura kung saan nakaukit ang mga
mukha ng mga bayani at mga prsidente, at mga emblem ng mga kilusan noong
himagsikan. Puno ang hardin ng maraming halaman, may kalamigan din sa lugar
dahil sa ulan na ngayo’y humito na. umupo kami sa may silong. Ramdam ko noon
ang lamig ng hangin, sobrang ginhawa sa pakiramdam. Umihip siya ng malalim,
pinuno niya nga kanyang dib-dib ng hangin at saka ibinuga niya ito at ngumiti. “
Ang sarap dito ano?”
“ Oo ang lamig.”
“Ngayon lang yan.”
“lagi kang pumupunta dito?”
“Hindi naman. Kapag gusto ko lang
mapag-isa.”
Nakita ko yung isang lumang bahay doon, gawa siya sa semento at makikita mo ang kalungkutan doon. Naalala ko bigla yung entry niya sa Poster making na nanalo ng gintong medalya. “Shet yan ba yung bahay na idinrawing mo noon sa contest?”
Ngumiti siya. Ramdam ko noon ang
init sa mga ngiti niya. “Oo yan yun. Ang ganda no, ramdam mo yung isinisigaw
ng mga pader ng bahay?”
“Oo, puntahan natin, tara!”
Biglang nawala yung ngiti sa
mukha niya. “Hindi ko kaya.”
“kanina ka pa ganyan, ano ba
talaga nangyayari sayo, may sakit ka ba?”
“Wala, Hindi ko lang talaga…’
Bigla siyang ngumiti. “ ay eto tingnan mo ito.” Iniabot niya sa akin ang isang
sketch pad. Ipinakita niya sa akin ang mga sketches niya. iba’t ibang lugar,
mga abstract, grotesque at mga architecture. Hindi ko maipaliwanag ang
nararamdaman ko tuwang-tuwa ako na nalulungkot, na ewan.
Bigla kong nasabi na “Gusto ko
bago ako mamatay, idrawing mo din ako, pwede ba yon?”
Ngumiti lamang siya at tumango.
“Siguradong darating yung araw na
magiging sikat kang pintor.”
“Hindi mangyayari yun.”
“Ah kasi gusto mo maging
architect?”
“ kasama yun sa dahilan. Pangarap
ko yun.”
“Matutupad yan, basta ba wag mo
akong kalimutan pag nangyari yun ha,”
“Ako ang wag mong makakalimutan.”
“Oo naman!”
Ang dami-dami naming pinuntahan.
Pumunta kami sa Grandstand naglakad-lakad at nagkwentuhan. Pumunta din kami sa
May Manila Bay at pinanood ang paglubog ng araw. Para sa akin yun ang pinakamasayang araw ko sa lahat. Pakiramdam ko ang kasiyahan naming dalawa, ang
kalayaan na para bang walang pakialam lahat ng tao kung magtawanan kami sa daan o
magtakbuhan at maghilahan sa kalsada. Pagkatapos sa Manila Bay bumalik na kami
sa may City hall, pero bago yun ay pinanood namin ang dancing fountain sa
Luneta. Malungkot ang kanta noon, nakakapanibago kasi ang alam ko puro masasaya
ang mga tugtugin na ipiniplay doon. Iba ang atmosphere noon, kakaiba ang
paligid.
“Sa sunod idrawing mo din ito.”
“Kung may pagkakataon.”
“Please?”
Ngumiti lamang siya. Sobrang haba
ng katahimikan sa pagitan naming dalwa. Pinagmamasdan lang namin kung
paano sinsabayan ng tubig ang musika. O
mas tama bang sabihing ang musika ang sumasabay sa Fountain?
“ Sa dinami-dami ng tao dito sa
Luneta wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa di pagkabalanse ng Fountain.”
Pagbasag niya sa katahimikan.
“ oo nga ano?
“Tanging ang mga mabababaw na
bagay lang kasi ang nakikita ng karamihan ng mga tao. Di nila pinapahalagahan
ng mga parteng bumubuo sa isang bagay. Malaki man ito o maliit. Kaya minsan ang
hirap gumawa ng mabuti sa isang tao, kasi karamihan di marunong
makaappreciate.”
“Shet ang lalim naman nun.”
“Ganun talaga.
Katahimikan nanaman.
“Alam mo masaya ako ngayon kasi
nakasama kita.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “ Ako
din.”
“Pahalagahan mo yung mga taong
nagmamahal sa’yo ha.” Sabi niya.
“Oo naman. Bakit ka ba
nagsasalita ng ganyan?”
“Gusto ko lang na hangga’t
nabubuhay ka ay pahalagahan mo bawat bagay sa buhay mo, mga tao, oras at
pag-abot sa pangarap mo. wag mo nang intayin na huli na ang lahat para magawa
mo lahat yun.”
“ Mauulit pa naman itong gala
natin di ba?”
Ngumiti lamang siya. “tara na,
punta tayo sa Condo ng ate ko.”
“Tamang tama. Nagugutom na ako.”
Ang dami naming pinagusapan sa
buong araw na iyon. Sa sobrang saya ko hindi ko na naalala na may pasok pa ako
o na baka hinahanap na ako ng mga magulang ko. Ang tanging nasa isip ko lamang
ay ang kasiyahan ko kasama siya.
Pumasok kami sa Condo ng Ate
niya. Walang tao. Madilim yung lugar, mejo magulo. Nakita ko yung kusina may
mga tirang pagkain na di naubos, at mukhang may nangyaring di maganda kasi
inwan sa mesa na nakatiwang-wang ang mga pinagkainan.
“ Pagod na ako, magpahinga na
tayo.”
“ di ka ba nagugutom?” tanong ko.
Dumiretso na siya sa kwarto, at
di pinansin ang tanong ko. Iniwan ko ang bag ko sa sala at sumunod sa kanya.
Madilim ang kwarto, at may kakaunting liwanag lamang na nanggagaling sa siwang
sa pinto mula sa sala. Kita ko siya na nakahiga sa
kama. Nakatitig siya sa kisame.
“ Wag mo akong iiwan ha?” sabi
niya.
“ Bakit naman kita iiwan?”
“ Ipangako mo. wag mo akong
iiwan.”
“ Oo pangako.”
“ Salamat.”
“ Wala yun.”
“ Pagod na ako. Pagod na pagod.”
“ Ako din, sa layo ba naman ng
nilakad natin.”
“ Hindi yun.”
“ Oh eh saan? Pago ka dahil?”
Narinig kong nagriring yung
Cellphone ko ngunit di ko ito pinansin, nakatingin lamang ako sa kanya.
Nasisinagan ng ilaw mula sa labas ang mukha niya. Kitang kita ko ang korte ng
matangos niyang ilong, ang makinis niyang mukha at ang makitid niyang mga
labi. Itim na itim ang mga mata niya,
animo’y malalaglag ka sa kawalan kapag tiningnan mo ang mga ito. Sa labas ay
nagriring pa din ang cellphone ko. Nakulitan ako kaya nagdesisyon akong sagutin
ito.
“ san ka pupunta?”
“ Sasagutin ko lamang yung Phone
ko.”
“ Wag mo akong iiwan.”
“ Oo babalik ako.”
“ Ipangako mo.”
“ Pangako Raymond babalik ako.”
Dali-dali kong hinanap ang cp ko
sa bag ko.
“ Hello.”
“ Hello, nakung bata ka, kanina
pa kami tumatawag sayo!”
“ Oh bakit po? Kasama ko po ang
kaklase ko ma!”
“ San ka ba nagpupupunta? Kanina
pa kami nag-aalala sayo!”
“ Bakit ba Ma, anu ba ang nangyayari bakit
parang ang daming nagiiyakan jan?”
“ Si Raymond yung kaklase mo,
naaksidente kaninang umaga bago siya pumasok sa school niyo. Kanina pa kami
nag-aalala sayong bata ka asan ka na ba? hinanap ka namin sa mga Teacher mo
after ng Math mo pero di ka na daw pumasok.
Akala namin naaksidente ka na din! Pumunta ka na dito sa bahay nila. Ngayon
dadalhin dito sa kanila yung bata. Mag-ingat ka”
Habang sinasabi sa akin ng Mama ko
iyon nanginginig ako sa takot, sa takot na ang kasama ko buong araw ay patay
na. sa takot na baka pati ako patay na rin. Pero hindi, kasi nararamdaman ko pa
ang mga paa ko sa pagtakbo. Nararamdaman ko rin ang pagkapagod sa karipas ng
aking pagtakbo. Tumakbo ako ng tumakbo ng tumakbo habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Hanggang sa mapagod ako sa
kakatakbo. Huminga ako ng malalim at pinahiran ang aking mga mata. "Kaya mo yan. panaginip lang ang lahat! Panaginip lang " pinilit kong pinigil ang aking luha dahil sa katotohanang lahat ay totoong nangyari.
Takot akong pumasok sa kanilang bahay kaya nanatili ako sa labas ng kanilang bahay. Kasama ko ang aking mga kaklase na walang tigil sa pagtatanong kung anong nangyai sa akin o kung saan ako pumunta. Hindi ko naman sila pwedeng sagutin o sabihin sa kanila ang katotohanan kasi walang maniniwala sa akin. Gusto kong umiyak dahil sa nangyari sa akin sa buong araw. Bakit hindi ko agad napansin. Sa seven-eleven pa lang nagtitinginan na sa akin ang mga tao. Yung driver ng jeep kaya pala masama ang tingin sa akin, dalwa ang ibinayad ko pero iisa lang ako. Kaya pala malamig doon sa intramuros. Kaya pala walang siyang tinanggap sa mga inalok kong pagkain sa kanya. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko. Gusto kong umiyak pero di ko magawa. Alam kong nag-iinit na ang aking mga mata. Pero di pwede. Hindi pwede.
“ Ikaw yung nasa drawing ni kuya sa kwarto niya.” Sabi ng isang batang babae.
Tiningnan ko lamang siya.
“ Mama! Mama! Tingnan mo siya oh!
Siya yung nasa drawing ni kuya!”
Nilapitan ako ng Mama ni Raymond.
“ Iho okay ka lang ba? kanina ka
pa tulala. Halika may ipapakita ako sayo.”
Tumayo ako at sinundan siya.
Sinamahan ko siya papasok ng bahay nila. Umiiyak pa din ang siya habang hawak
niya ako sa balikat. Nakita ko ang kabaong ni Raymond, wala akong lakas ng loob
na lapitan siya. Buti na lamang at may mga kapamilya siyang nakatingin sa kniya
kaya naiwasan ko ang mapatingin sa kanya.
Dumiretso kami ng Mama niya sa
kwarto ni Raymond.Binuksan niya ang ilaw. Puno ng libro ang kwarto niya. Maliit
lamang yung kama, at kulay puti ang tela nito. May computer din sa may bintana,
sa tabi nito’y isang istante na puno ng Drawing at sketches. Ang pumukaw ng
pansin ko’y ang larawan sa gitna ng lahat ng mga iginuhit niya. Mukha ko ang
nakaguhit doon. My malaking ngiti habang nakikipagkwentuhan sa mga kakalase
namin. Hindi lang iisang larawan. Tatlo ito. Yung isa nakaside view ako at
nakikinig sa Guro. Yung isa naman ay kaming dalwa nasa Luneta. Hindi ko na
napigilan ang luha ko, humagulgol ako ng humagulgol. Niyakap ako ng kanyang
ina. At nagpasalamat siya sa akin. Umiyak ako kasi naalala ko ang pangako ko
kay Raymond bago ako lumabas ng kwarto at sagutin yung cp ko,
“Pangako Raymond babalik ako.”
grabe, ang haba pero tinapos ko talaga.. at kinilabutan ako hanggang sa huli.. sorry for that.. just hang in there..
TumugonBurahin