Si Aling Bebang, tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang
animo’y tanghali na sa init ng ulo. Umaga
pa lamang tad-tad na agad ng armalite niyang bunganga ang kanyang asawa. Umaga pa
lamang chismis agad ang sagap. Umaga pa lamang umaalingasaw na agad sa usok ng
kanyang tambutso ang kanilang karinderya. Umaga pa lamang lutong agad ang
malalasap ng mga mapagdiskitahan. Umaga pa lamang siya na agad ang sentro ng
atensiyon.
Si aling Bebang ang bulkan ng pamilya Pino. Sa paggising
ko sa umaga boses agad niya ang raragasa sa aking pagkaalimpungat. Opo, abot
dito sa amin ang kanyang boses. Sigaw dito, sigaw doon, mura dito, mura doon! What
an extravaganza to start a morning! “Hoy batugan! Gago ka! Kumuha ka nga ng
tubig doon sa poso Dalian mo! tang-ina bilis!” sigaw niya. Kawawang asawa, sa
araw-araw na ginawa ng Diyos mura agad ang kaharap niya. Sabagay yun naman ang
hanap ng karamihan ng pinoy, mura..murang bilihin. “ putarages kang hinayupak
kang lalaki ka! Napakawalang kwenta mo! kumilos ka na nga jan at kumuha ka ng
tubig! Hindi mo ba ako naririnig! Tang-ina!” panu naman siya susunod sa iyo
niyan Aling Bebang kung laging bunganga ang pinapairal? Di lilipas ang tangahalian
na walang murang maririnig mula sa kanya. Kung maibibili lamang ang mura
panigurado mayaman na sila. Pero hindi. Maliit pa lamang ako nang maabutan ko
ang karinderya ni aling Bebang. Minsan kapag tanghalian, sa kanya na lamang
kami bumibili ng pagkain. At hanggang ngayon sa paglaki ko nakatayo pa din ang
tindahan nila. Ang tindahang tanging sumusustento sa kanilang pamilya.
Karinderyang nagpapaaral at nagpapakain sa kaniyang mga anak at asawa. O mas
tama bang sabihing Murang nagpapaaral at nagpapalamon sa kaniyangmga anak at
asawa.
Si aling Bebang ang tinik sa rosas ni Ka Juan. Sa aking
pagkakaalam 17 years nang mag-asawa si aling Bebang at ka Juan. Bilib ako kay
ka Juan dahil sa haba ng kanyang pasensiya. Galaw mo 17 years siyang nagtitiis
sa bunganga ng kanyang asawa. Para bang
magic kasi kung tutuusin, dapat abo na lamang niya ang matititra sa buong araw
na pagratrat ng armalite na bunganga ni aling bebang. Ngunit hindi gabi-gabi
nagkakahimala, nabubuo ulit ang katawan ni ka Juan upang bukas ay salubungin
niya ulit ang gera sa kanilang karinderya. Bago pa man matulog sila aling
Bebang away pa rin ang magwawakas ng araw nila. Pinagtatalunan nlia ang maliit
na kita sa karindeya, na porket si ka juan ay nagnanakaw sa kaban ng
karinderya, na porket wala siyang magawang matino at tama, na porket
nangingibambahay siya at nambababae, na porket Noynoying lamang ang gawa niya
sa buong araw. Away na animo'y wala nang wakas. Oo nagwawakas nga ito sa pagkalunod
sa lalim ng gabi, ngunit magsisimula ulit ito sa pagahon ng kinabukasang walang
kasiguraduhan.
Si aling Bebang ang Ankla ng pamilya. Di maipagkakaila na si
Aling Bebang ang nagtataguyod sa pamilya niya. Kayod dito, kayod doon. Ngunit sa
kabila nito, siya din ba ang humihila sa pamilya niya pababa dahil sa bunganga
ang lagi niyang pinapairal. Maraming nagpapayo sa knya, maraming tumutulong at
nagmamagandaang loob na ayusin ang gusot ng pamilya. Aling Bebang, bakit hindi
na lang natin itikom ang ating bibig, at ituon na lamang ang sarili sa
paghahanap buhay para sa kapantagan ng pamilya, ng mga kapitbahay at ng buong
pamayanan. Maraming tumutuligsa sa kanya, maraming naninira. Si aling Bebang
walang magawang matino kundi ang magmura
at magsalita, puro dada kaya walang pag-ahon sa pamilyang ginugunita. Sa huli,
ganoon talaga si Aling Bebang, yoon na ang kaniya nakaugalian, bakit hindi na
lang natin pakisamahan at intindihin? Anuman ang istilo niya, tandaan natin na
ang ginagawa niya ay para din sa pamilya niya at nangagarap din siyang umunlad,
ngunit sa lihis na landas.
Si Aling Bebang, tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang di na
magkanda-ugaga sa paghahanda para sa bagong araw. Umaga pa lamang pag-iintindi
na agad sa pamilya ang inaatupag. Umaga pa lamang pag-aaruga at pag-alala sa
pamilya ang nasa isip. Umaga pa lamang ramdam na ang init ng pagmamahal niya sa
kapwa. Umaga pa lamang lambot ng puso ang inihahanda para sa mga kakain sa
kanilang karinderya. Umaga pa lamang pumupukaw na siya agad ng atensiyon. Ingay para sa pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento