Sabado, Marso 24, 2012

Sketch


Isa akong estudyante noon sa V-mapa High School. Estudyanteng pasaway at sikat sa buong school. Kilala ako ng bawat estudyante sa amin, fans ko sila eh. Ngunit mayroong isang estudyante na talagang walang paki-alam sa mundo, lalo na sa akin. Sa mga araw at buwan na magkasama kami sa silid-aralan hindi kami pinagtatagpo ng mga pag-uusap. Hindi namin nagawang magkaroon ng matinong usapan, walang Hi, walang hello. Wala din kaming pansinan. As in talagang hindi siya nageexist sa aking mundo at ako’y ganon din sa kanya.
Ako ang pinakamaingay sa klase namin noon, siya naman ang pinakatahimik. Siya yung taong hindi ka kakausapin kapag hindi ikaw yung unang nagbukas ng usapin. Siya yung taong hindi mahilig magrecite sa klase. Pero bilib ako sa kanya kasi lagi siyang nagtotop sa klase namin. Lagi siyang perfect sa mga quizzes at exams at paborito din ng mga guro. Pero hindi siya teacher’s pet, kasi likas na sa kanya ang pagiging matalino.
Recess noon nang naisipan kong bumili ng Piattos at MnM sa Seven-eleven sa tapat ng DPWH. Mag-isa lamang akong pumunta doon, walang sumama sa akin kasi umuulan. Hindi kalakasan yung ulan kaya naglakas loob akong sumugod doon. Mainit ang singaw ng lupa, kaya laking pasasalamat ko nang makarating ako sa seven-eleven. Thanks God air-con!
Nakapila na ako sa Counter nang mapansin ko siya nakaupo sa reserved table for customers only. Mind you wala siyang pagkain o anumang binili. Naalala ko hindi siya pumasok sa unang subject namin. Nang nakapag-bayad na ako sa counter, nilapitan ko siya at inalok ng pagkain.  Wala siyang kibo, nakatitig lamang siya sa ulan sa labas, napansin kong gusto sumabay ng luha niya sa lakas ng ulan.
“Okay ka lang ba? hindi ka pumasok kanina sa Math natin.” Sambit ko.
Wala pa din siyang imik, ramdam ko na pinipilit niyang itago ang mga luha sa mata niya.
Binuksan ko na yung piattos na binili ko. “eto oh, kuha ka.” Alok ko.
Ngumiti siya sa akin, “Salamat.”
“ Tara na baka malate pa tayo sa English natin, share na tayo sa payong ko.”
Muli hindi niya pinansin ang sinabi ko.
“ Hinahanap ka ni Ma’am kanina. Alam mo ba walang nakasagot nung tanong niya kanina, ang haba ba naman nung equation.”
Ngumiti lamang siya ulit, nanatili pa tin ang tingin niya sa buhos ng ulan sa labas.
“ siguro kung andun ka nasagot mo yun, sayang di ka pumasok.” Pinilit kong pangitiin ulit siya ngunit bigo ako. Tumayo siya sa knyang inuupuan.
“ Gusto mong sumama sa akin?” sambit niya.
“ Saan naman?”
“Punta tayo sa paborito kong lugar, sa may intramuros, okay lang ba sayo?” tanong niya.
“Ang layo naman nun, pero sige, English lang naman yun madali na yun. Tara!” sagot ko.
Sumakay kami ng Jeep sa may San Sebastian Church, yung pa Sm Manila. Nanibago ako sa mga pangyayari. Ang dami ko noong naisip na kalokohan. Bakit nga ba ako sumama sa kanya, eh hindi kami close. Hindi ko nga siya gaanong kilala at wala akong alam tungkol sa ugali niya. Baka mamaya set-up lang pala lahat at ipapakidnap niya ako. Tama baka yun nga! Kaya siguro siya problemado kanina kasi kinakabahan siya at hindi niya alam kung panu ako pasamahin sa kanya. Pero teka alam naman niya siguro na mahirap lang kami. Hindi! Alam ko na! alam niyang sikat ako sa school kaya pag nakidnap ako, kahit wala kami pambayad siguradong tutulungan ako ng mga kakalse ko!. Alam niyang mag-aambagan sila for me. Oh no!
“ Wag kang mag-alala wala akong balak na kidnappin ka, gusto ko lang ng kasama.”
Natawa lang ako.
Mukhang wala siyang balak magbayad kaya ako na lang ang nagkusa. “ Ma dalawa po estudyante.”
Tumingin sa akin ng masama yung Driver. Pagakatapos noon ay namutawi ang mahabang katahimikan nasa may ayala Bridge na kami ng makaisip ako ng Topic. “ anong sikreto mo?”
Nagulat siya sa tanong ko. “anong sikreto?”
“ bakit ang talino mo, bakit lagi kang nagtotop sa klase? Nagkokodigo ka ba?”
Natawa siya sa sinabi ko. “ Kodigo? Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para magkodigo. Pinagtutuonan ko lang ng pansin lahat ng ga subject.
“ Nag-aaral ka gabi-gabi?”
“Hindi naman gabi-gabi, madalas lang.”
Nooy walang tigil na yung usapan namin, hanggang sa pagbaba sa Jeep, pagtawid sa underpass, at paglalakad sa intramuros. Hanggan sa nakarating kami sa isang magandang hardin, sa likod na ata iyon ng intramuros. May mga bakal na istraktura kung saan nakaukit ang mga mukha ng mga bayani at mga prsidente, at mga emblem ng mga kilusan noong himagsikan. Puno ang hardin ng maraming halaman, may kalamigan din sa lugar dahil sa ulan na ngayo’y humito na. umupo kami sa may silong. Ramdam ko noon ang lamig ng hangin, sobrang ginhawa sa pakiramdam. Umihip siya ng malalim, pinuno niya nga kanyang dib-dib ng hangin at saka ibinuga niya ito at ngumiti. “ Ang sarap dito ano?”
“ Oo ang lamig.”
“Ngayon lang yan.”
“lagi kang pumupunta dito?”
“Hindi naman. Kapag gusto ko lang mapag-isa.”

Nakita ko yung isang lumang bahay doon, gawa siya sa semento at makikita mo ang kalungkutan doon. Naalala ko bigla yung entry niya sa Poster making na nanalo ng gintong medalya. “Shet yan ba yung bahay na idinrawing mo noon sa contest?”
Ngumiti siya. Ramdam ko noon ang init sa mga ngiti niya. “Oo yan yun. Ang ganda no, ramdam mo yung isinisigaw ng mga pader ng bahay?”
“Oo, puntahan natin, tara!”
Biglang nawala yung ngiti sa mukha niya. “Hindi ko kaya.”
“kanina ka pa ganyan, ano ba talaga nangyayari sayo, may sakit ka ba?”
“Wala, Hindi ko lang talaga…’ Bigla siyang ngumiti. “ ay eto tingnan mo ito.” Iniabot niya sa akin ang isang sketch pad. Ipinakita niya sa akin ang mga sketches niya. iba’t ibang lugar, mga abstract, grotesque at mga architecture. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko tuwang-tuwa ako na nalulungkot, na ewan.
Bigla kong nasabi na “Gusto ko bago ako mamatay, idrawing mo din ako, pwede ba yon?”
Ngumiti lamang siya at tumango.
“Siguradong darating yung araw na magiging sikat kang pintor.”
“Hindi mangyayari yun.”
“Ah kasi gusto mo maging architect?”
“ kasama yun sa dahilan. Pangarap ko yun.”
“Matutupad yan, basta ba wag mo akong kalimutan pag nangyari yun ha,”
“Ako ang wag mong makakalimutan.”
“Oo naman!”
Ang dami-dami naming pinuntahan. Pumunta kami sa Grandstand naglakad-lakad at nagkwentuhan. Pumunta din kami sa May Manila Bay at pinanood ang paglubog ng araw. Para sa akin yun ang pinakamasayang araw ko sa lahat. Pakiramdam ko ang kasiyahan naming dalawa, ang kalayaan na para bang walang pakialam lahat ng tao kung magtawanan kami sa daan o magtakbuhan at maghilahan sa kalsada. Pagkatapos sa Manila Bay bumalik na kami sa may City hall, pero bago yun ay pinanood namin ang dancing fountain sa Luneta. Malungkot ang kanta noon, nakakapanibago kasi ang alam ko puro masasaya ang mga tugtugin na ipiniplay doon. Iba ang atmosphere noon, kakaiba ang paligid.
“Sa sunod idrawing mo din ito.”
“Kung may pagkakataon.”
“Please?”
Ngumiti lamang siya. Sobrang haba ng katahimikan sa pagitan naming dalwa. Pinagmamasdan lang namin kung paano  sinsabayan ng tubig ang musika. O mas tama bang sabihing ang musika ang sumasabay sa Fountain?
“ Sa dinami-dami ng tao dito sa Luneta wala ni isa sa kanila ang nakapansin sa di pagkabalanse ng Fountain.” Pagbasag niya sa katahimikan.
“ oo nga ano?
“Tanging ang mga mabababaw na bagay lang kasi ang nakikita ng karamihan ng mga tao. Di nila pinapahalagahan ng mga parteng bumubuo sa isang bagay. Malaki man ito o maliit. Kaya minsan ang hirap gumawa ng mabuti sa isang tao, kasi karamihan di marunong makaappreciate.”
“Shet ang lalim naman nun.”
“Ganun talaga.
Katahimikan nanaman.
“Alam mo masaya ako ngayon kasi nakasama kita.”
Nagulat ako sa sinabi niya. “ Ako din.”
“Pahalagahan mo yung mga taong nagmamahal sa’yo ha.” Sabi niya.
“Oo naman. Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?”
“Gusto ko lang na hangga’t nabubuhay ka ay pahalagahan mo bawat bagay sa buhay mo, mga tao, oras at pag-abot sa pangarap mo. wag mo nang intayin na huli na ang lahat para magawa mo lahat yun.”
“ Mauulit pa naman itong gala natin di ba?”
Ngumiti lamang siya. “tara na, punta tayo sa Condo ng ate ko.”
“Tamang tama. Nagugutom na ako.”
Ang dami naming pinagusapan sa buong araw na iyon. Sa sobrang saya ko hindi ko na naalala na may pasok pa ako o na baka hinahanap na ako ng mga magulang ko. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang kasiyahan ko kasama siya.
Pumasok kami sa Condo ng Ate niya. Walang tao. Madilim yung lugar, mejo magulo. Nakita ko yung kusina may mga tirang pagkain na di naubos, at mukhang may nangyaring di maganda kasi inwan sa mesa na nakatiwang-wang ang mga pinagkainan.
“ Pagod na ako, magpahinga na tayo.”
“ di ka ba nagugutom?” tanong ko.
Dumiretso na siya sa kwarto, at di pinansin ang tanong ko. Iniwan ko ang bag ko sa sala at sumunod sa kanya. Madilim ang kwarto, at may kakaunting liwanag lamang na nanggagaling sa siwang sa pinto mula sa sala. Kita ko siya na nakahiga sa kama. Nakatitig siya sa kisame.
“ Wag mo akong iiwan ha?” sabi niya.
“ Bakit naman kita iiwan?”
“ Ipangako mo. wag mo akong iiwan.”
“ Oo pangako.”
“ Salamat.”
“ Wala yun.”
“ Pagod na ako. Pagod na pagod.”
“ Ako din, sa layo ba naman ng nilakad natin.”
“ Hindi yun.”
“ Oh eh saan? Pago ka dahil?”
Narinig kong nagriring yung Cellphone ko ngunit di ko ito pinansin, nakatingin lamang ako sa kanya. Nasisinagan ng ilaw mula sa labas ang mukha niya. Kitang kita ko ang korte ng matangos niyang ilong, ang makinis niyang mukha at ang makitid niyang mga labi.  Itim na itim ang mga mata niya, animo’y malalaglag ka sa kawalan kapag tiningnan mo ang mga ito. Sa labas ay nagriring pa din ang cellphone ko. Nakulitan ako kaya nagdesisyon akong sagutin ito.
“ san ka pupunta?”
“ Sasagutin ko lamang yung Phone ko.”
“ Wag mo akong iiwan.”
“ Oo babalik ako.”
“ Ipangako mo.”
“ Pangako Raymond babalik ako.”
Dali-dali kong hinanap ang cp ko sa bag ko.
“ Hello.”
“ Hello, nakung bata ka, kanina pa kami tumatawag sayo!”
“ Oh bakit po? Kasama ko po ang kaklase ko ma!”
“ San ka ba nagpupupunta? Kanina pa kami nag-aalala sayo!”
 “ Bakit ba Ma, anu ba ang nangyayari bakit parang ang daming nagiiyakan jan?”
“ Si Raymond yung kaklase mo, naaksidente kaninang umaga bago siya pumasok sa school niyo. Kanina pa kami nag-aalala sayong bata ka asan ka na ba? hinanap ka namin sa mga Teacher mo after ng Math mo pero di ka na daw pumasok. Akala namin naaksidente ka na din! Pumunta ka na dito sa bahay nila. Ngayon dadalhin dito sa kanila yung bata. Mag-ingat ka”
Habang sinasabi sa akin ng Mama ko iyon nanginginig ako sa takot, sa takot na ang kasama ko buong araw ay patay na. sa takot na baka pati ako patay na rin. Pero hindi, kasi nararamdaman ko pa ang mga paa ko sa pagtakbo. Nararamdaman ko rin ang pagkapagod sa karipas ng aking pagtakbo. Tumakbo ako ng tumakbo ng tumakbo habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Hanggang sa mapagod ako sa kakatakbo. Huminga ako ng malalim at pinahiran ang aking mga mata. "Kaya mo yan. panaginip lang ang lahat! Panaginip lang " pinilit kong pinigil ang aking luha dahil sa katotohanang lahat ay totoong nangyari.

Takot akong pumasok sa kanilang bahay kaya nanatili ako sa labas ng kanilang bahay. Kasama ko ang aking mga kaklase na walang tigil sa pagtatanong kung anong nangyai sa akin o kung saan ako pumunta. Hindi ko naman sila pwedeng sagutin o sabihin sa kanila ang katotohanan kasi walang maniniwala sa akin. Gusto kong umiyak dahil sa nangyari sa akin sa buong araw. Bakit hindi ko agad napansin. Sa seven-eleven pa lang nagtitinginan na sa akin ang mga tao. Yung driver ng jeep kaya pala masama ang tingin sa akin, dalwa ang ibinayad ko pero iisa lang ako. Kaya pala malamig doon sa intramuros. Kaya pala walang siyang tinanggap sa mga inalok kong pagkain sa kanya. Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko. Gusto kong umiyak pero di ko magawa. Alam kong nag-iinit na ang aking mga mata. Pero di pwede. Hindi pwede.

“ Ikaw yung nasa drawing ni kuya sa kwarto niya.” Sabi ng isang batang babae.
Tiningnan ko lamang siya.
“ Mama! Mama! Tingnan mo siya oh! Siya yung nasa drawing ni kuya!”
Nilapitan  ako ng Mama ni Raymond.
“ Iho okay ka lang ba? kanina ka pa tulala. Halika may ipapakita ako sayo.”
Tumayo ako at sinundan siya. Sinamahan ko siya papasok ng bahay nila. Umiiyak pa din ang siya habang hawak niya ako sa balikat. Nakita ko ang kabaong ni Raymond, wala akong lakas ng loob na lapitan siya. Buti na lamang at may mga kapamilya siyang nakatingin sa kniya kaya naiwasan ko ang mapatingin sa kanya.
Dumiretso kami ng Mama niya sa kwarto ni Raymond.Binuksan niya ang ilaw. Puno ng libro ang kwarto niya. Maliit lamang yung kama, at kulay puti ang tela nito. May computer din sa may bintana, sa tabi nito’y isang istante na puno ng Drawing at sketches. Ang pumukaw ng pansin ko’y ang larawan sa gitna ng lahat ng mga iginuhit niya. Mukha ko ang nakaguhit doon. My malaking ngiti habang nakikipagkwentuhan sa mga kakalase namin. Hindi lang iisang larawan. Tatlo ito. Yung isa nakaside view ako at nakikinig sa Guro. Yung isa naman ay kaming dalwa nasa Luneta. Hindi ko na napigilan ang luha ko, humagulgol ako ng humagulgol. Niyakap ako ng kanyang ina. At nagpasalamat siya sa akin. Umiyak ako kasi naalala ko ang pangako ko kay Raymond bago ako lumabas ng kwarto at sagutin yung cp ko,
“Pangako Raymond babalik ako.”


Huwebes, Marso 22, 2012

Si ka Juan


Si ka Juan, Tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang tulog na agad and kaniyang diwa. Umaga pa lamang papatay-patay na siya. Umagang-umaga pa lamang laway agad at buyuko ang lumalabas sa bunganga. Umaga pa lamang kapol na nang muta ang mga mata. Umaga pa lamang dumadagundong na ang kanyang hilik. Umaga pa lamang ni anino ng asawa ay binabale-wala. Umaga pa lamanag katamaran na niya ang namumutawi. Umaga pa lamang pagbabalewala na sa sigaw ng asawa ang inaatupag.

Si ka juan, ang dagat ng pamilya Pino. Hindi mo mapapagwari ang ugali niya, minsan kalmado minsan may kasungitan, minsan mapagbiro, minsan walang kibo. Sa kabila nito bilib ako sa lawak ng pangunawa niya sa asawa niyang aramalite ang bunganga. Naging panangga na niya ang pagbibingi-bingihan niya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Galaw mong umaga pa lamang ay tad-tad na agad siya ng laway ng asawa dahil sa mga mura at sigaw na tinatanggap niya. Para maiwasan ito kahit alas gis na ng umaga ay di pa din siya tumatayo ng higaan, minsan hanggang hapon di mo masisislayan ang pagmumukha niya. May mga pagkakataon din na maaga siya gumigising pero sa kapit-bahay tumutulog at may mga pagkakataong pagkagisin g ay sa sabungan na at sugalan ang tungo. Minsan nga ay maririnig mo na lang na umiiyak si Aling Bebang dahil sa pag-alala sa kanya dahil buong araw di umuuwi at minsa’y nangingibambayan pa ito upang takasan lamang ang mga responibilidad sa pamilya. Uuwi lamang siya kapag kakain o pag wala na mapuntahan o pagnaubusan nan g pera. Talagang iinit ang ulo ni Aling Bebang at kahit sino pang ina kung ganyan naman ang asawa mo.

Si ka Juan ang putik sa hardin ni aling Bebang. 17 years na ang pagsasama ng mag-asawa. Isang dekada at pitong taon nang sakit ng ulo ni Aling Bebang ang asawa. Sa tabi ng karinderya ni aling Bebang ay isang maliit na hardin ang nakatayo, puno ng mga gulay at prutas. Kahit ang mismong pagpitas sa mga ani ay sa mga anak pa inaasa. Kung tutuusin dapat ay si ka Juan ang kumakayod sa pamilya. Siya dapat ang pinagkukunan ng ikakabuhay ng pamilya. Siya dapat ang haligi at pundasyon ng pamilya. Ngunit hindi, animo’y wala siyang pakialam kung may kakainin ba ang mga anak o kung may ipapambaon ba sila sa pagpasok. Imbis na maging kapakipakinabang sa pamilya, ay wala pang naidudulot na maganda ay nagiging pabigat pa sa pamilya. Minsan narinig ko si Aling Bebang na sumambit ng ganito: “Para kang putik, imbis na maging madali ang pagpitas sa bunga sa hardin angiging sagabal ka pa sa pagusad ng pagunlad natin Juan! Sana naman maintindihan mo, sana marinig mo ang hinaing ko. Kapit ng kapit, dumi lamang ang hatid.

Si ka Juan, pabigat nga ba o may silbi din? Ang maganda naman sa kanya, kahit puro reklamo ang asawa hindi mo naman maipagkakaila na gumagawa din naman ng maganda kahit papano si Ka Juan. Kapag mayroong problema sa mga anak niya, siya ang gumagawa ng paraan upang maayos ito. Kapag may mga sira sa bahay minsan naman ay makikita mo ang initiatibo niyang tumugon, ngunit kadalsang nahahayang nakatiwangwang ito. May iniuuwi din naman siyang kita pag nanalo siya sa sabong o sa sugal at ibinibigay sa mga anak at ipinapambili ng makakain, Ito'y kung suswertehin siya. Wala din siyang bisyo tulad ng sigarilyo o alak o kahit pa droga dahil gusto niyang maging magandang halimbawa sa mg anak sa pamamagitan lamang ng ganoong paraan. Ngunit sana’y naisip din niya kung magandang halimbawa ba ang pagtakas niya sa mga responisbilidad niya sa tahanan.

Si ka Juan, Tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang kapaypaan at kapanatagan agad ang hangad. Umaga pa lamang kahit sa maliit na bagay ay kumukuha ng lakas. Umaga pa lamang kahit sa anumang paraan hahanap at ahhanap ng pagkakataong tumugon sa panganagilangan ng pamilya.

Si Aling Bebang


Si Aling Bebang, tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang animo’y tanghali na sa init ng ulo.  Umaga pa lamang tad-tad na agad ng armalite niyang bunganga ang kanyang asawa. Umaga pa lamang chismis agad ang sagap. Umaga pa lamang umaalingasaw na agad sa usok ng kanyang tambutso ang kanilang karinderya. Umaga pa lamang lutong agad ang malalasap ng mga mapagdiskitahan. Umaga pa lamang siya na agad ang sentro ng atensiyon.

Si aling Bebang ang bulkan ng pamilya Pino. Sa paggising ko sa umaga boses agad niya ang raragasa sa aking pagkaalimpungat. Opo, abot dito sa amin ang kanyang boses. Sigaw dito, sigaw doon, mura dito, mura doon! What an extravaganza to start a morning! “Hoy batugan! Gago ka! Kumuha ka nga ng tubig doon sa poso Dalian mo! tang-ina bilis!” sigaw niya. Kawawang asawa, sa araw-araw na ginawa ng Diyos mura agad ang kaharap niya. Sabagay yun naman ang hanap ng karamihan ng pinoy, mura..murang bilihin. “ putarages kang hinayupak kang lalaki ka! Napakawalang kwenta mo! kumilos ka na nga jan at kumuha ka ng tubig! Hindi mo ba ako naririnig! Tang-ina!” panu naman siya susunod sa iyo niyan Aling Bebang kung laging bunganga ang pinapairal? Di lilipas ang tangahalian na walang murang maririnig mula sa kanya. Kung maibibili lamang ang mura panigurado mayaman na sila. Pero hindi. Maliit pa lamang ako nang maabutan ko ang karinderya ni aling Bebang. Minsan kapag tanghalian, sa kanya na lamang kami bumibili ng pagkain. At hanggang ngayon sa paglaki ko nakatayo pa din ang tindahan nila. Ang tindahang tanging sumusustento sa kanilang pamilya. Karinderyang nagpapaaral at nagpapakain sa kaniyang mga anak at asawa. O mas tama bang sabihing Murang nagpapaaral at nagpapalamon sa kaniyangmga anak at asawa.

Si aling Bebang ang tinik sa rosas ni Ka Juan. Sa aking pagkakaalam 17 years nang mag-asawa si aling Bebang at ka Juan. Bilib ako kay ka Juan dahil sa haba ng kanyang pasensiya. Galaw mo 17 years siyang nagtitiis sa bunganga ng kanyang asawa.  Para bang magic kasi kung tutuusin, dapat abo na lamang niya ang matititra sa buong araw na pagratrat ng armalite na bunganga ni aling bebang. Ngunit hindi gabi-gabi nagkakahimala, nabubuo ulit ang katawan ni ka Juan upang bukas ay salubungin niya ulit ang gera sa kanilang karinderya. Bago pa man matulog sila aling Bebang away pa rin ang magwawakas ng araw nila. Pinagtatalunan nlia ang maliit na kita sa karindeya, na porket si ka juan ay nagnanakaw sa kaban ng karinderya, na porket wala siyang magawang matino at tama, na porket nangingibambahay siya at nambababae, na porket Noynoying lamang ang gawa niya sa buong araw. Away na animo'y wala nang wakas. Oo nagwawakas nga ito sa pagkalunod sa lalim ng gabi, ngunit magsisimula ulit ito sa pagahon ng kinabukasang walang kasiguraduhan.

Si aling Bebang ang Ankla ng pamilya. Di maipagkakaila na si Aling Bebang ang nagtataguyod sa pamilya niya. Kayod dito, kayod doon. Ngunit sa kabila nito, siya din ba ang humihila sa pamilya niya pababa dahil sa bunganga ang lagi niyang pinapairal. Maraming nagpapayo sa knya, maraming tumutulong at nagmamagandaang loob na ayusin ang gusot ng pamilya. Aling Bebang, bakit hindi na lang natin itikom ang ating bibig, at ituon na lamang ang sarili sa paghahanap buhay para sa kapantagan ng pamilya, ng mga kapitbahay at ng buong pamayanan. Maraming tumutuligsa sa kanya, maraming naninira. Si aling Bebang walang magawang matino kundi ang  magmura at magsalita, puro dada kaya walang pag-ahon sa pamilyang ginugunita. Sa huli, ganoon talaga si Aling Bebang, yoon na ang kaniya nakaugalian, bakit hindi na lang natin pakisamahan at intindihin? Anuman ang istilo niya, tandaan natin na ang ginagawa niya ay para din sa pamilya niya at nangagarap din siyang umunlad, ngunit sa lihis na landas.

Si Aling Bebang, tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang di na magkanda-ugaga sa paghahanda para sa bagong araw. Umaga pa lamang pag-iintindi na agad sa pamilya ang inaatupag. Umaga pa lamang pag-aaruga at pag-alala sa pamilya ang nasa isip. Umaga pa lamang ramdam na ang init ng pagmamahal niya sa kapwa. Umaga pa lamang lambot ng puso ang inihahanda para sa mga kakain sa kanilang karinderya. Umaga pa lamang pumupukaw na siya agad ng atensiyon. Ingay para sa pamilya.

Miyerkules, Marso 21, 2012

Sinalubong ako ng isang aral.




Alas Gis ng gabi nang umalis ang barko sa pier………... Pagod ako galing sa limang oras na pag-upo sa bus. Ang sakit ng aking pigi. At ngayon dito sa barko nakaupo pa din ako. Halos tatlong oras din ang iintayin ko. Okay na ito kaysa sa tatlong oras akong nakatayo, paikot-ikot sa barko. Puno ang barko at madaming tao kaya mahirap kumilos. Maliit lamang ang deck ng barko, ito’y dalawang palapag mula sa pinaka rampa ng barko. Ang lugar na aking inuupuan ay mainit, dahil sa katawan ng mga taong nandito. Mabuti na lamang at hindi ito sarado mula sa kalawakan sa labas. Kitang-kita mo ang mga bituwin, at ang mga labi ng karagatan at ng kalangitan na naglapat sa kalayuan. Nagyeyelo ang hanging humahampas sa aming kinatatayuan. Nilalasap ko ang paghipo sa akin ng simoy ng hangin, nililibang ko ang sarili ko sa ugong ng makina ng barko hanggang sa unti-unti akong nahulog sa kadiliman ng aking pagtulog.

May bumangga sa aking tuhod. Bigla ako naalimpungatan, nahihirapan akong ilagay ang aking paningin sa isang direksiyon. Di din nagtagal umayos din ang aking paningin, nagulat ako  nang makita ko na pababa na ang halos lahat ng mga pasahero. Sa wakas andito na ako sa amin, konting minuto na lang makikita ko na ang aking mga magulang at kapatid! Alas dos ng umaga na. Dali-dali kong kinuha at binuhat ang aking mga bagahe. Isang bagpack at isang body bag. Makupad ang lakad ng mga tao pababa ng hagdan dahil sa mga matatanda na nauna nang pinababa. Pero kung tutuusin kailangan magmadali dahil kakaunti lamang ang mga Van at jeep na pwedeng masakyan pauwi ng akin bayan. Ang mga nakalaang mga sasakyan sa terminal ay nahahati sa limang bayan ng aming probinsiya. Kapag naiwan ka kailangan mo pang intaying ang byahe ng alas-gis ng umaga. Nang nakababa na ako sa hagdanan dali-dali ako sa paglabas sa barko. Nang nasa kalagitnaan na ako ng barko may tumawag sa akin na isang babaeng nasa edad 50 na siguro siya. Nasa mukha niya nakapinta ang pagiging problemado. “Utoy makikisuyo naman nitong dala ko, pakidala mu naman magaan naman yan.”  Sabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip na tulungan siya dahil alam ko kung anu ang pakiramdam ng maiwanana ng byahe. “Shoot magaan pala ah!” sigaw ng aking isip. Animo’y may lamang hollow blocks yung kahon. Sa bigat gumagasgas sa kamay ko ang straw na ginamit na pantali sa kahon. Sa tatlong minutong paglalakad papunta sa terminal, puro gas-gas na ang kamay ko. Ayos lang basta makasakay kaming dalwa. Laking tuwa ko nang makarating na kami sa terminal. Nagulat ako nang iisa na lamang ang Van na nagsasakay ng pasahero. At yung isang natitira nan yoon ay unti-unti nang napupuno, nakita ko na siksikan na sila sa loob dahil sa mga bagahe at mga batang nakakalong sa mga magulang nila. Dali-dali siyang sumakay sa van, hinatak mula sa kamay ko ang pinadala niya sa akin, at namroblema sa iba pa niyang bagahe. Aligaga siya sa pagintindi ng uupuan niya. Natakot lamang ako na baka wala na akong maupuan. At yun na nga ang nangyari. Naubos na ang mag upuan sa loob n van at andun si ate sa loob ng van. Ni wala man lang pasalamat para sa akin, ni hindi man lang niya inalala kung makakaupo ako, ni hindi niya ako pinansin nung nakaupo na siya. Imbis na mainis ako naawa ako sa mga bata na andoon sa loob, mistula silang sardinas na pinagkasya sa loob.  Imbis na labing-lima lamang ang laman ng van, eh nasa dalwampu’t lima na ang tantiya ko. Umalingaw-ngaw sa tenga ko ang pag sarado ng pintuan ng van at dali-daling umalis. “shoot paano ako uuwi? Wala nang byahe!” noon lang pumasok sa isip ko ang galit sa taong tinulungan ko. Walang utang na loob! Pero sa hinagap ko walang magagawa ang pagkagalit ko. Natuwa ako ng nasulyapan ko ang iba pang mga pasaherong naiwan. Ngunit kakaunti pa lamang kami at panigurado walang magsasakay sa amin dahil malulugi sila sa gasolina. Sa awa ng Diyos, may nagmagandang loob sa amin. Inilabas niya sa beranda ng terminal ang van niya at nagpresenta na siya na lamang ang maghahatid sa amin. Sa wakas makakuwi na ako.

Halos walong oras na akong nakaupo, mula sa bus, sa barko, at ngayon sa van. Sumsakit na ang mata ko. Madaling araw na ngunit wala pa din akong magandang pahinga. Itinuon ko na lamang ang aking isipan sa kalsadang naliligiran ng mga bundok at kagubatan. Naisip ko yung kalagayan ng mga tao sa van na umiwan sa akin. Makapagpahinga kaya sila sa kalagayn nila doon? Maswerte ako na hindi ako nakasakay doon dahil dito sa sinakyan ko maluwag kami at malamig. Napagtanto ko na lahat talaga ng bagay ay nangyayari dahil may kadahilanan. Sa aking pag-uwi aral kaagad ang sumalubong sa akin. 

Sampong Taong Panliligaw


Sampong Taong Panliligaw

 Tahimik siya pero bawat anggolo niya ay sumisigaw. Siya ang pinaka-simple pero pinakamagandang babaeng nakita ko. Hindi na niya kailangan pang mag make-up para mapansin. Itim na itim ang malulungkot niyang mata. Maganda din ang hubog ng kanyang ilong, ganun din ang labi niya, pulang-pula. Nakapagtaka pero, minahal ko siya agad.

Ilang taon na din ang nakalipas nung niligawan ko siya. Bale sampung taon ako nagtiyaga, mapasagot lamang siya. O. A. pero proud ako. Lahat na ata ng trabaho ay napasukan ko para lang mapasagot siya. Naging gardener ako, kasi araw-araw dinadalhan ko siya ng paborito niyang bulaklak, Violet roses lang naman, na pipitasin ko sa bakuran ni Mrs. Valentin. Naging delivery boy din ako, every time na feeling ko gusto niya ng Kfc, Chowking, Mcdo, Jollibee, Manginasal, bibilhan ko siya. Naging MMDA din ako para sa kanya, kasi nililinis ko araw-araw ang harapan ng bahay niya, puno na kasi ng basura at tuyong dahon. Wala na kasi siyang oras para sa mga ganong bagay. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa, alam kong hindi siya mawawalan ng oras sa akin, ganon din ako sa kanya. Naging writer din ako, kasi lahat ng nararamdaman ko para sa kanya sinusulat ko. Hindi ko kasi siya makausap, nahihiya ako, busy siya. Hindi ko din naman maitext, I don’t know how to get her No. pero one time may kalakip na sulat yung bulaklak na ibinigay ko, Can I get your No, text me, 09….. pero no reply din. Patience lang, busy lang siya. Naging spy din ako, talagang binantayan ko lahat ng lakad niya, pero lagi siyang nakatakas, naiisahan niya ako lagi. Hindi ko siya masundan. Kahit na kabisado ko pa ang amoy ng Itim na itim niyang buhok, nakaka-alapas padin siya sa aking hinagap. Katulad niyo rin siya simple lang . Katulad niyo rin siya maraming manliligaw. Kaya naging H.R. din ako para makakakalap ng impormasyon tungkol sa lovelife niya. Pero nonsense din. Nakatawa isipin na nanliligaw ako sa kanya pero kokonti lang ang nalalaman ko sa kanya.  And I believe that Love can wait till death. Hindi ko din nga alam kung alam niyang nanliligaw ako sa kanya.

But then it’s been ten years since niligawan ko siya. Ten years na hinihintay kong maparamdam siya.  Ten years na binabalik-balikan ko itong puntod niya para dalhan ng bulaklak, dalhan ng pagkain, linisin itong nitso niya. Ten years nung una kong makita ang litrato niya sa puntod niya. Ten years nung Minahal ko siya. Ten years nung niligawan ko ang babaeng nasa loob ng puntod na ito.

Cotton Buds


 
Isigaw mo! Isigaw mo! Isigaw mo pa! Lakasan mo! Lakasan mo pa! Isigaw mo! Sigaw pa! Kahit ilang beses akong sumigaw mahina pa rin. Kahit pilitin kong isigaw lahat ng kaya kaya kong isigaw hindi mo pa rin ako naririnig. Bingi ka ba talaga o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang? Pare mura lang ang cotton buds, wag mong sabihing sa kapangyarihan mo, sa lakas at yaman mong yan ay ni hindi ka manlang makbili ng isa marinig mo lamang ako! Pare ako naman!

Nang makamtan mo ang kapangyarihang mamuno ang saya ko! Sa wakas mababago na ang aking kinabukasan! Sa wakas mag-iiba na ang kulay ng Pilipinas! Sa wakas magagawa mo na ang lahat ng matatamis mong pangako! Laking tuwa ko nuong nanalo ka! Subalit lahat ng katuwaan ko’y nawala nang mkamtan mo ang pwestong hinahangad mo. Nagbago ang aking kinabukasan, nabalot ng kadiliman ang liwanag na akala ko’y magdadala sa akin sa tagumpay. Nag- iba ang kulay ng Pilipinas, ang pagiging dikatator mo ang nagpabago sa imahe ng inang bayan! Gamit ang mga kamay mong bakal sinakal mo kami! Imbes na maging payapa tayo, gulo karahasan at kamatayan, yan, yan ang dulot mo! Pare awa naman.

Takot ang bumalot sa aking puso kaya eto nanghina ako. Nawalan ng pag- asang lumaban, ayan sinamantala mo! Mahigpit limapu’t pito ang pinapatay mo! Mga inosentang buhay na binura mo. Hindi ka pa naawa, tinadtad mo na nga sila ng bala, itinapon niyo na lang ang mga katawan nila sa kung saan-saan! Dahil ba malakas ka kaya ganoon na lang?! Lalabanan ko ang takot ko, lilimutin ko ang pagiging mahina ko  dahil nais kong ipaglaban ang karapatan nila! Pare hustisya naman!

Panalo na sana ako kaya lang mayaman ka. “I am sorry.” Ang lakas din ng loob ma na magsorry!, inalisan mo na nga ako ng karapatang magdesisyon, inalisan mo pa ako ng pag-asang mabuhay, ngayon kaginhawaan ko naman ang kukunin  mo? Andito ako sa ating bayan, nagpapakahirap magtrabaho. Maliit ang kita kaya nagibambansa para mapakain ko lamang ang pamilya ko. Ikaw alam kong naghihirap ka rin, naghihirap pagtakpan ang pagnanakaw mo sa kaban ng bayan. Galaw mo dalwampung libong dolyar ang presyo ng isang hapunan mo! Ang galling mo! Sana naisip mo na habang nagpapakasasa ka sa luho mo eto ako dugo ang ipinapawis ko. Mayaman ka, kami’y naghihirap. Pare konsiyensiya naman oh.

Yang panggastos mo sa magara mong hapunan, ipambili mo na lamang yan ng cotton buds. Mura lang naman yun eh. Para naman marinig mo ako. Ako nga pala ay isang mamamayang Pilipino. Takot man ako, mahirap man ako, mahina man ako meron din anamn akong pangarap. Pare ako naman, nais kong maging makapangyarihan, mayaman at malakas tulad mo upang baguhin kung ano man ang sinimulan mo. Ngayon naririnig mo na ako?

Naaalala Mo Ba Yung Ginawa Natin Kagabi?




Naalala mo ba yung ginawa ntin kagabi? Nuong magksama tayong dalwa sa kwarto? Walang tao, tayong dalwa lang. Anong gusto mo, yung madilim na kwarto o yung maliwanag? Ang naaalala ko madilim yung kwarto. Naaalala mo ba?

Madami tayong ginawa kagabi. Iisa- isahin ko ba? Naaalala mo? Sige ipapaalala ko sayo. San ako magsisimula, sa pinakamasarap o sa pinakamasakit? Madilim nun kaya di ko makita, panilit kong kapain para mahanap. Kapa dito, kapa doon.Isa, ang lambot! dalawa mabilog to!  Aba parang puputok! Nilamas ko para lahat makapa ko. Nilamas ko yung mukha mo para mabilang ko ilan ba ang tigyawat mo. Madami- dami din.Nagparamihan tayo ng tigyawat! Naalala mo? eto pa. madilim pa din nun kaya di ko makita. Makinis! Nag-ahit ka? May butas sa gitna! Alam na! mamasa-masa to ah. May ngipin! ipinasok ko yung daliri ko para alam ko kung ano to. Masarap ba?  Pasok pa o hugot na? Dinilaan pa oh! Ahmmm.. ano? Naalala mo? naghanapan tayo ng bibig! Trip natin  eh! Naalala mo na? Malakas trip natin kagabi, madami pa. Osige eto pa. Total madilim walang makakita sa atin naghubad tayong dalwa. Kinuha natin yung garapon na may lamang langgam. Dalwang langgam, nagkarerahan tayo kung kaninong langgam ang unang makakarating sa finish line. Naaalala mo kung san yung finish line? Alalahanin mo! clue: may buhok, may butas sa gitna, mamasa-masa din ito, mabilog din. Naaalala mo? hulaan mo pre! Isa, dalwa, tatlo. Time’s up! Ginawa nating starting line yung pusod natin at finish line sa mata natin! Naalala mo na? kung sino manalo tatanggalin niya yung langgam at kung sinong talo ipapakagat niya yung mata niya sa langgam. Sino nanalo? Naalala mo? ngayon ko lang napagtanto na kapag pala pinakagat mo yung mata mo sa langgam ay napakaginhawa. Mawawala yung eye bags mo. Libre contact lens pa. mag-iiba ang kulay ng mata mo. magiging kulay Gold. Golden puss! Luluha ka ng nana at dugo, bubula yung mata mo. lalabas lahat ng ugat sa mata parang ugat sa paa. Alam ko iniisip mo! alam ko yan pre. Susubukan mo yan sa katabi mo! oh sino na ang nanalo? Alaahanin mo! Madilim pa din kagabi. Ipapasok ko, ilalabas. Labas-pasok. Labas-pasok, labas pasok. Maganda ang pasok kung madulas. Nakakainis pag magaspang na. ang hirap ipasok! Lagyan mo nga ng lubricant pre para madaming pumasok na ideya sa isip mo! labas-pasok , labas pasok, labas pasok sa isip natin kung ano isusulat dito. Dahil wala tayo maisip kagabi pinagtripan natin ang sarili natin. Naalala mo? badtrip ka eh! Lalabasan na ako, nangialam ka pa! pinaghirapan ko yun eh ngalay na ngalay kaya ako! Ang ngalay tumunganga sa kakaisip ng maisusulat. Pinaghirapan kong isipin yun pero umintrada ka ng joke! Anong mahaba na malaki ang nakalawit? Ano? Eh di braso! Ahmp! Nakalimutan ko tuloy kung ano yung isususlat ko! Obvious naman mas mahaba at mas malaki yung braso na nakalawit kaysa sa iniisp mo! loko!

Siguro iniisip mo na kalokohan ang lahat ng to! Hindi! Blog ko to no! pinagtulungan kaya namin to. Ang pagod din kaya. Ito yung bunga ng pagiisang dibdib ng aking isipan at imahinasyon, anu daw? Pero teka naalala mo ba kung bakit madilim?