Sampong Taong Panliligaw
Tahimik siya pero
bawat anggolo niya ay sumisigaw. Siya ang pinaka-simple pero pinakamagandang
babaeng nakita ko. Hindi na niya kailangan pang mag make-up para mapansin. Itim
na itim ang malulungkot niyang mata. Maganda din ang hubog ng kanyang ilong,
ganun din ang labi niya, pulang-pula. Nakapagtaka pero, minahal ko siya agad.
Ilang taon na din ang nakalipas nung niligawan ko siya. Bale
sampung taon ako nagtiyaga, mapasagot lamang siya. O. A. pero proud ako. Lahat
na ata ng trabaho ay napasukan ko para lang mapasagot siya. Naging gardener
ako, kasi araw-araw dinadalhan ko siya ng paborito niyang bulaklak, Violet
roses lang naman, na pipitasin ko sa bakuran ni Mrs. Valentin. Naging delivery
boy din ako, every time na feeling ko gusto niya ng Kfc, Chowking, Mcdo,
Jollibee, Manginasal, bibilhan ko siya. Naging MMDA din ako para sa kanya, kasi
nililinis ko araw-araw ang harapan ng bahay niya, puno na kasi ng basura at
tuyong dahon. Wala na kasi siyang oras para sa mga ganong bagay. Pero hindi ako
nawawalan ng pag-asa, alam kong hindi siya mawawalan ng oras sa akin, ganon din
ako sa kanya. Naging writer din ako, kasi lahat ng nararamdaman ko para sa
kanya sinusulat ko. Hindi ko kasi siya makausap, nahihiya ako, busy siya. Hindi
ko din naman maitext, I don’t know how to get her No. pero one time may kalakip
na sulat yung bulaklak na ibinigay ko, Can I get your No, text me, 09….. pero
no reply din. Patience lang, busy lang siya. Naging spy din ako, talagang
binantayan ko lahat ng lakad niya, pero lagi siyang nakatakas, naiisahan niya
ako lagi. Hindi ko siya masundan. Kahit na kabisado ko pa ang amoy ng Itim na
itim niyang buhok, nakaka-alapas padin siya sa aking hinagap. Katulad niyo rin
siya simple lang . Katulad niyo rin siya maraming manliligaw. Kaya naging H.R.
din ako para makakakalap ng impormasyon tungkol sa lovelife niya. Pero nonsense
din. Nakatawa isipin na nanliligaw ako sa kanya pero kokonti lang ang nalalaman
ko sa kanya. And I believe that Love can
wait till death. Hindi ko din nga alam kung alam niyang nanliligaw ako sa
kanya.
But then it’s been ten years since niligawan ko siya. Ten
years na hinihintay kong maparamdam siya.
Ten years na binabalik-balikan ko itong puntod niya para dalhan ng
bulaklak, dalhan ng pagkain, linisin itong nitso niya. Ten years nung una kong
makita ang litrato niya sa puntod niya. Ten years nung Minahal ko siya. Ten
years nung niligawan ko ang babaeng nasa loob ng puntod na ito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento