Isigaw mo! Isigaw mo! Isigaw mo pa! Lakasan mo! Lakasan
mo pa! Isigaw mo! Sigaw pa! Kahit ilang beses akong sumigaw mahina pa rin.
Kahit pilitin kong isigaw lahat ng kaya kaya kong isigaw hindi mo pa rin ako
naririnig. Bingi ka ba talaga o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang? Pare mura
lang ang cotton buds, wag mong sabihing sa kapangyarihan mo, sa lakas at yaman
mong yan ay ni hindi ka manlang makbili ng isa marinig mo lamang ako! Pare ako
naman!
Nang makamtan mo ang kapangyarihang mamuno ang saya ko!
Sa wakas mababago na ang aking kinabukasan! Sa wakas mag-iiba na ang kulay ng
Pilipinas! Sa wakas magagawa mo na ang lahat ng matatamis mong pangako! Laking
tuwa ko nuong nanalo ka! Subalit lahat ng katuwaan ko’y nawala nang mkamtan mo
ang pwestong hinahangad mo. Nagbago ang aking kinabukasan, nabalot ng kadiliman
ang liwanag na akala ko’y magdadala sa akin sa tagumpay. Nag- iba ang kulay ng
Pilipinas, ang pagiging dikatator mo ang nagpabago sa imahe ng inang bayan!
Gamit ang mga kamay mong bakal sinakal mo kami! Imbes na maging payapa tayo,
gulo karahasan at kamatayan, yan, yan ang dulot mo! Pare awa naman.
Takot ang bumalot sa aking puso kaya eto nanghina ako.
Nawalan ng pag- asang lumaban, ayan sinamantala mo! Mahigpit limapu’t pito ang
pinapatay mo! Mga inosentang buhay na binura mo. Hindi ka pa naawa, tinadtad
mo na nga sila ng bala, itinapon niyo na lang ang mga katawan nila sa kung
saan-saan! Dahil ba malakas ka kaya ganoon na lang?! Lalabanan ko ang takot ko,
lilimutin ko ang pagiging mahina ko
dahil nais kong ipaglaban ang karapatan nila! Pare hustisya naman!
Panalo na sana ako kaya lang mayaman ka. “I am sorry.”
Ang lakas din ng loob ma na magsorry!, inalisan mo na nga ako ng karapatang
magdesisyon, inalisan mo pa ako ng pag-asang mabuhay, ngayon kaginhawaan ko
naman ang kukunin mo? Andito ako sa
ating bayan, nagpapakahirap magtrabaho. Maliit ang kita kaya nagibambansa para
mapakain ko lamang ang pamilya ko. Ikaw alam kong naghihirap ka rin, naghihirap
pagtakpan ang pagnanakaw mo sa kaban ng bayan. Galaw mo dalwampung libong
dolyar ang presyo ng isang hapunan mo! Ang galling mo! Sana naisip mo na habang
nagpapakasasa ka sa luho mo eto ako dugo ang ipinapawis ko. Mayaman ka, kami’y
naghihirap. Pare konsiyensiya naman oh.
Yang panggastos mo sa magara mong hapunan, ipambili mo na
lamang yan ng cotton buds. Mura lang naman yun eh. Para naman marinig mo ako.
Ako nga pala ay isang mamamayang Pilipino. Takot man ako, mahirap man ako, mahina
man ako meron din anamn akong pangarap. Pare ako naman, nais kong maging
makapangyarihan, mayaman at malakas tulad mo upang baguhin kung ano man ang
sinimulan mo. Ngayon naririnig mo na ako?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento