Alas Gis ng gabi nang umalis ang barko sa pier………... Pagod ako
galing sa limang oras na pag-upo sa bus. Ang sakit ng aking pigi. At ngayon dito
sa barko nakaupo pa din ako. Halos tatlong oras din ang iintayin ko. Okay na
ito kaysa sa tatlong oras akong nakatayo, paikot-ikot sa barko. Puno ang barko
at madaming tao kaya mahirap kumilos. Maliit lamang ang deck ng barko, ito’y
dalawang palapag mula sa pinaka rampa ng barko. Ang lugar na aking inuupuan ay
mainit, dahil sa katawan ng mga taong nandito. Mabuti na lamang at hindi ito
sarado mula sa kalawakan sa labas. Kitang-kita mo ang mga bituwin, at ang mga labi ng karagatan at ng kalangitan na naglapat sa kalayuan.
Nagyeyelo ang hanging humahampas sa aming kinatatayuan. Nilalasap ko ang
paghipo sa akin ng simoy ng hangin, nililibang ko ang sarili ko sa ugong ng
makina ng barko hanggang sa unti-unti akong nahulog sa kadiliman ng aking
pagtulog.
May bumangga sa aking tuhod. Bigla ako naalimpungatan,
nahihirapan akong ilagay ang aking paningin sa isang direksiyon. Di din nagtagal
umayos din ang aking paningin, nagulat ako
nang makita ko na pababa na ang halos lahat ng mga pasahero. Sa wakas
andito na ako sa amin, konting minuto na lang makikita ko na ang aking mga
magulang at kapatid! Alas dos ng umaga na. Dali-dali kong kinuha at binuhat
ang aking mga bagahe. Isang bagpack at isang body bag. Makupad ang lakad ng mga
tao pababa ng hagdan dahil sa mga matatanda na nauna nang pinababa. Pero kung
tutuusin kailangan magmadali dahil kakaunti lamang ang mga Van at jeep na
pwedeng masakyan pauwi ng akin bayan. Ang mga nakalaang mga sasakyan sa
terminal ay nahahati sa limang bayan ng aming probinsiya. Kapag naiwan ka
kailangan mo pang intaying ang byahe ng alas-gis ng umaga. Nang nakababa na ako
sa hagdanan dali-dali ako sa paglabas sa barko. Nang nasa kalagitnaan na ako ng
barko may tumawag sa akin na isang babaeng nasa edad 50 na siguro siya. Nasa mukha
niya nakapinta ang pagiging problemado. “Utoy makikisuyo naman nitong dala ko,
pakidala mu naman magaan naman yan.” Sabi
niya. Hindi na ako nagdalawang isip na tulungan siya dahil alam ko kung anu ang
pakiramdam ng maiwanana ng byahe. “Shoot magaan pala ah!” sigaw ng aking isip. Animo’y
may lamang hollow blocks yung kahon. Sa bigat gumagasgas sa kamay ko ang straw
na ginamit na pantali sa kahon. Sa tatlong minutong paglalakad papunta sa
terminal, puro gas-gas na ang kamay ko. Ayos lang basta makasakay kaming dalwa. Laking
tuwa ko nang makarating na kami sa terminal. Nagulat ako nang iisa na lamang ang
Van na nagsasakay ng pasahero. At yung isang natitira nan yoon ay unti-unti nang
napupuno, nakita ko na siksikan na sila sa loob dahil sa mga bagahe at mga
batang nakakalong sa mga magulang nila. Dali-dali siyang sumakay sa van, hinatak
mula sa kamay ko ang pinadala niya sa akin, at namroblema sa iba pa niyang bagahe.
Aligaga siya sa pagintindi ng uupuan niya. Natakot lamang ako na baka wala na
akong maupuan. At yun na nga ang nangyari. Naubos na ang mag upuan sa loob n
van at andun si ate sa loob ng van. Ni wala man lang pasalamat para sa akin, ni
hindi man lang niya inalala kung makakaupo ako, ni hindi niya ako pinansin nung
nakaupo na siya. Imbis na mainis ako naawa ako sa mga bata na andoon sa loob,
mistula silang sardinas na pinagkasya sa loob. Imbis na labing-lima lamang ang laman ng van,
eh nasa dalwampu’t lima na ang tantiya ko. Umalingaw-ngaw sa tenga ko ang pag
sarado ng pintuan ng van at dali-daling umalis. “shoot paano ako uuwi? Wala nang
byahe!” noon lang pumasok sa isip ko ang galit sa taong tinulungan ko. Walang
utang na loob! Pero sa hinagap ko walang magagawa ang pagkagalit ko. Natuwa ako
ng nasulyapan ko ang iba pang mga pasaherong naiwan. Ngunit kakaunti pa lamang
kami at panigurado walang magsasakay sa amin dahil malulugi sila sa gasolina. Sa
awa ng Diyos, may nagmagandang loob sa amin. Inilabas niya sa beranda ng
terminal ang van niya at nagpresenta na siya na lamang ang maghahatid sa amin. Sa
wakas makakuwi na ako.
Halos walong oras na akong nakaupo, mula sa bus, sa barko,
at ngayon sa van. Sumsakit na ang mata ko. Madaling araw na ngunit wala pa din
akong magandang pahinga. Itinuon ko na lamang ang aking isipan sa kalsadang
naliligiran ng mga bundok at kagubatan. Naisip ko yung kalagayan ng mga tao sa
van na umiwan sa akin. Makapagpahinga kaya sila sa kalagayn nila doon? Maswerte
ako na hindi ako nakasakay doon dahil dito sa sinakyan ko maluwag kami at
malamig. Napagtanto ko na lahat talaga ng bagay ay nangyayari dahil may
kadahilanan. Sa aking pag-uwi aral kaagad ang sumalubong sa akin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento