Si ka Juan, Tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang tulog na
agad and kaniyang diwa. Umaga pa lamang papatay-patay na siya. Umagang-umaga pa
lamang laway agad at buyuko ang lumalabas sa bunganga. Umaga pa lamang kapol na
nang muta ang mga mata. Umaga pa lamang dumadagundong na ang kanyang hilik. Umaga
pa lamang ni anino ng asawa ay binabale-wala. Umaga pa lamanag katamaran na
niya ang namumutawi. Umaga pa lamang pagbabalewala na sa sigaw ng asawa ang
inaatupag.
Si ka juan, ang dagat ng pamilya Pino. Hindi mo mapapagwari
ang ugali niya, minsan kalmado minsan may kasungitan, minsan mapagbiro, minsan
walang kibo. Sa kabila nito bilib ako sa lawak ng pangunawa niya sa asawa
niyang aramalite ang bunganga. Naging panangga na niya ang pagbibingi-bingihan niya
sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Galaw mong umaga pa lamang ay tad-tad na agad
siya ng laway ng asawa dahil sa mga mura at sigaw na tinatanggap niya. Para maiwasan
ito kahit alas gis na ng umaga ay di pa din siya tumatayo ng higaan, minsan hanggang
hapon di mo masisislayan ang pagmumukha niya. May mga pagkakataon din na maaga
siya gumigising pero sa kapit-bahay tumutulog at may mga pagkakataong
pagkagisin g ay sa sabungan na at sugalan ang tungo. Minsan nga ay maririnig mo
na lang na umiiyak si Aling Bebang dahil sa pag-alala sa kanya dahil buong araw
di umuuwi at minsa’y nangingibambayan pa ito upang takasan lamang ang mga
responibilidad sa pamilya. Uuwi lamang siya kapag kakain o pag wala na
mapuntahan o pagnaubusan nan g pera. Talagang iinit ang ulo ni Aling Bebang at
kahit sino pang ina kung ganyan naman ang asawa mo.
Si ka Juan ang putik sa hardin ni aling Bebang. 17 years na
ang pagsasama ng mag-asawa. Isang dekada at pitong taon nang sakit ng ulo ni
Aling Bebang ang asawa. Sa tabi ng karinderya ni aling Bebang ay isang maliit
na hardin ang nakatayo, puno ng mga gulay at prutas. Kahit ang mismong pagpitas
sa mga ani ay sa mga anak pa inaasa. Kung tutuusin dapat ay si ka Juan ang
kumakayod sa pamilya. Siya dapat ang pinagkukunan ng ikakabuhay ng pamilya. Siya
dapat ang haligi at pundasyon ng pamilya. Ngunit hindi, animo’y wala siyang
pakialam kung may kakainin ba ang mga anak o kung may ipapambaon ba sila sa
pagpasok. Imbis na maging kapakipakinabang sa pamilya, ay wala pang naidudulot
na maganda ay nagiging pabigat pa sa pamilya. Minsan narinig ko si Aling Bebang
na sumambit ng ganito: “Para kang putik, imbis na maging madali ang pagpitas sa
bunga sa hardin angiging sagabal ka pa sa pagusad ng pagunlad natin Juan! Sana naman
maintindihan mo, sana marinig mo ang hinaing ko. Kapit ng kapit, dumi lamang ang hatid.
Si ka Juan, pabigat nga ba o may silbi din? Ang maganda
naman sa kanya, kahit puro reklamo ang asawa hindi mo naman maipagkakaila na
gumagawa din naman ng maganda kahit papano si Ka Juan. Kapag mayroong problema
sa mga anak niya, siya ang gumagawa ng paraan upang maayos ito. Kapag may mga
sira sa bahay minsan naman ay makikita mo ang initiatibo niyang tumugon, ngunit
kadalsang nahahayang nakatiwangwang ito. May iniuuwi din naman siyang kita pag
nanalo siya sa sabong o sa sugal at ibinibigay sa mga anak at ipinapambili ng
makakain, Ito'y kung suswertehin siya. Wala din siyang bisyo tulad ng sigarilyo o alak o kahit pa droga
dahil gusto niyang maging magandang halimbawa sa mg anak sa pamamagitan lamang
ng ganoong paraan. Ngunit sana’y naisip din niya kung magandang halimbawa ba
ang pagtakas niya sa mga responisbilidad niya sa tahanan.
Si ka Juan, Tipikal na Pilipino. Umaga pa lamang kapaypaan at
kapanatagan agad ang hangad. Umaga pa lamang kahit sa maliit na bagay ay
kumukuha ng lakas. Umaga pa lamang kahit sa anumang paraan hahanap at ahhanap
ng pagkakataong tumugon sa panganagilangan ng pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento